Lahat ng tao sa ditto sa ating mundo ay may mga pangyayari na hindi makaklimutan. Mga pangyayari na nagdudulot ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan. Habang ang oras ay patuloy sa pag-ikot lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nag-iiwan ng marka. Minsan, ito ay masaya at minsan ito ay malungkot. Ano ba ang pangyayari sa iyong buhay na hindi mo makakalimutan? Ako marami akong karanasan na hindi makakalimutan tulad ng mga masasayang at masasakit na alaala sa aking buhay. Ganito talaga ang buhay ng tao minsan masaya minsan malungkot. At ngayon nais kong ibahagi sa inyo ang isa sa mga pangyayari sa aking buhay ang aking pinakamasayang karanasan dito sa mundo.
Merong pagtitipon ang naganap sa aming tahanan noon at ito ay ang birthday ng aking lolo. Maraming ang handa at meron ding iba’t ibang palamuti sa aming mumunting tahanan. Maraming ang hindi naming inaasahan tulad nalang ng pagdating n gaming ibang oamilya galling sa iba’ ibang parte ng lugar dito sa Pilipinas at pati narin sa ibang lugar. Hindi naming inaasahan na an gaming pamilya ay mabubuo noong araw na iyon at nasabi ko sa sarili ko na isa itong katuparan na king hiniling sa panginoon na minsan sa aming pamilya ay kompleto kami at masaya at ito na yun natupad na. Wala kaming ginawa nong araw na yun kundi tumawa, kumanta, sumayaw at iba pa na nagdulot sa min na matinding kasiyahan. Pagkatapos ng araw na iyon ay pumunta kami sa isang beach resort at doon naming ipinagpatuloy an gaming mga masasayang tawa at walang iniisip na problema na amin lang inisip ay kasiyahan walang awayan at kamuhi kundi kasiyahan lamang. Ito ang masasabi kong pinakamasayang alaala ng aking buhay.
Habang tayo ay nabubuhay ating pahalagahan ang mga pangyayari sa ating buhay ito man ay malungkot o masaya dahil ito ay tumutulong sa paghubog ng iyong pagkatao tulad ko aking pinapahalagahan ang mga pangyayari sa king buhay dahil lahat ng bagay sa dito sa mundo ay nangyayari dahil ito ay may rason tulad nalang sa aking isinalaysay sa inyo dahil hindi natin alam kung mauulit paba ito.ating tandaan na an gating karansan ay makakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao lalo na sa iyon personalidad at pananaw sa buhay.
filipino
Thursday, July 26, 2018
Wednesday, June 20, 2018
Alodia Payot
Sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga ala-ala sa panahon na lahat kami ay nagsama sama , kung saan bawat isa sa amin ay may ngiti na kailan man ay di mapapantayan na kahit na pera ay di kayang tumbasan. Sobra nagpapasalamat ako sa Panginoon na gumawa ng buhay, kung saan nagbigay sa akin ng isang regalo na kailanman hindi ko kayang iwan at tanggihan at iyon ay ang aking pamilya.
Isa sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko sa taon na ito. Eh yung araw kung saan lahat ng importanteng tao sa buhay ko ay nakasama ko at nakasalamuha sa panahon ng kaarawan ng ama ko. Kung saan yung iba kung pinsan nakatira sa iba’t- ibang lugar ay nakapunta at nakisalo sa amin. At nagkaroon rin kami ng kasunduan na mamasyal sa iba’t-ibang lugar. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon kung saan una naming maranasan ang magsaranggula ng sabay-sabay kahit na malalaki n kami, naranasan rin namin magtanim sa harden ng aming tatay, at higit sa lahat nakipagpustahan rin kami sa larong volleyball kung saan ito ay isa sa hilig naming laro. Lahat ng masasayang gawain namin sa taong ito ay nangyari lang sa isang linggo dahil kailangan narin nilang umuwi sa kanilang bahay/ lugar.
Kahit konti lang ang panahon na naging ganun kami kasaya, hindi parin mapapantayan ng kahit ano mang bagay ang mga masasayang pangyayari sa mga panahon na iyon.Paano ko nga ba malilimutan ang panahon kung saan inakala ko lamang noon na sa isang panaginip ko lang mahahangad ngunit sa panahon na ito ay nangyari rin. Nakasama ko sa taon na ito ang lahat ng importanteng tao sa buhay ko na kahit kailan hindi ko makakalimutan.

Angelica Nunez
Habang tumatakbo ang oras lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng ala-ala sa ating buhay. Maari ito maging masaya o malungkot na ala-ala. Mga karanasan na nagbibigay sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, at gintong aral. Ngunit ngayon, ang ibibigyang diin ko dito ay ang aking pinaka masayang ala-ala na naganap sa buhay ko ngayong taon.
June 15, 2018, ika-18 na kaarawan ng aking kaklase sa junior high school na si Blessed Joana Takling. Ito yung panahon na muli kaming nagsama ng aking mga kaklase sa junior high school. Hindi maipagkakaila na napakatalik na naming magkaibigang lahat. Sa 4 na taon na pagsasama namin, marami na kaming napagdaanan na mga masasaya at malulungkot na pangyayari. Ikinalulungkot namin lahat dahil hindi na kami magkakasama muli dahil iba-iba nang mga landas ang aming tatahakin.Ito yung araw kung saan ang pinakauna naming kaklase ay tutungtong sa legal na idad. Ginanap ang pagsalo salo sa KTV Grahe. Isa itong simpleng salo salo ngunit napagkasunduan naming lahat na ang susuotin namin ay hindi pants kundi isang dress o pormal na damit.
Nagkaroon kami nag maliit na programa kung saan nagbigay nang mga mensahe para sa birthday girl. Pagkatapos namin sa KTV ay pumunta kami sa pantalan kung saan doon namin pinagpatuloy ang pagdiriwang nang kaarawan.
Isa ito sa mga pinakamasasayang karanasan ko ngayong taon. Makasama lang sila at makipagtawanan ay sapat na sakin upang maging di-makakalimutang pagkakataon sa buhay ko. Lahat ng mga ala-ala na kasama ko sila ay kayamanan para sa akin. Lalong lalo na sa panahong ito dahil dito kami muling nagsama simula nang aming pagkakahiwalay.
Araw-araw ay isang karanasan ngunit sa mga karanasan na ito meron talagang mamarka sa ating mga puso na hinding hindi natin makakalimutan. Kung kaya't dapat natin bigyang halaga ang mga panahon na kasama natin ang mga taong nagbibigay kulay sa ating buhay.
Virgie Luz Baranggan
Ang Pinakamasayang Pangyayari
Ngayong Taon
"Rejoice with your life in the beautiful land full of experiences" ani ni Virgie Barangan. Kaya lahat tayo ay may karanasang hindi talaga natin makakalimutan at nanatili ito sa ating puso't isipan. Maaaring karanasan sa pamilya, kaibigan at pagibig. Mga pangyayaring kung saan ikaw ay nasaktan, umiyak, masaya, kinilig at umibig. Naaalala mo pa kaya ang mga pangyayaring iyon? Sigurado akong lahat ng detalye ay naaalala mo pa. Subalit karaniwan sa atin ay mas iisipin ang mga magaganda kaysa sa mga masasama o malulungkot na karanasan. Sino bang hindi gusto ang mga magagandang karanasan? Mayroon ba?
Kung ako ang tatanungin isa sa pinakamasayang pangyayari sa akin ngayong taon ay noong ika-15 ng Mayo pagkatapos ng eleksyon. Sa araw na iyon ay magkasama kami nang aking kamag-anak at pinsan na kung saan ay nagulat ako at saka masaya sapagka't ang unang plano ay ipagdiriwang ang reunion o muling pagtitipon sa Agusan del Sur at ang pinakamasakit ay hindi kami makakapunta. Ngunit ng dahil sa isang pangyayari ay hindi iyon natuloy at napagisipan na dito nalang sa Gingoog City ipagdiriwang ito.
Napagdesisyunan ng lahat na ipagdiriwang ang reunion o muling pagtitipon sa Badiangon. Kaya okupado ang lahat sa paghahanda nang pagkain at kagamitan. Lahat ay masayang nagtutulungan sa kabila nang pagod. Habang sa byahe patungong Badiangon ay nagsisiksikan ang lahat at puno nang tawanan ang sasakyan. Hindi alintana nang lahat ang init ng panahon.
Sa wakas at nakarating narin kami sa aming destinasyon. Matapos ang mahaba at mainit na byahe, ito na kami sa Badiangon. Lahat ay tuwang-tuwa kaya pagkarating na pagkarating ay lumusob agad sa tubig ang mga bata at isa na ako dyan. Simpleng salo-salo sa pagkain, ice cream at kantahan ang naging pangunahing putahe ng reunion. Lumipas ang oras na puro tawanan at pagbabalik-tanaw sa mga nakakatawang pangyayari sa nakaraan. Habang nakatingin sa kanila na nagtatawanan ay lihim akong nakangiti sa kabila nang lamig at mahapding balat ko. Sana sa susunod ay ganito parin kami. Masaya parin. Kahit iba- iba ang mga lugar, buhay at pamilya ay sana magkaroon ng panahon na magkakasama ulit. Gaya nito.
Ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay ay hinding hindi makakalimutan kahit para sa iba ay maliit na bagay pero para sa iyo ay napakahalaga. Ang karanasang ito ay pang habang buhay na nanatili sa pagkatao ko. Isa talaga sa pinakamatamis na bagay ay ang muling pagtitipon ng pamilya at kamag anak kahit ito ay nangyari lang sa maikling panahon.

Rica Canada
Ang kasiyahan ang pinakaunang hinahangad ng lahat. Kasiyahan, na nakakamit sa iba't-ibang paraan, bagay at pangyayari. Gayon paman, kaakibat ng kasiyahan ang kahirapan at kalungkutan na araw-araw rin nating natatamasa at ito ay higit nating kinaiinisan. Nais natin ang buhay na walang kahirapan, at putting kasiyahan lamang. Ano ba ang buhay na walang kahirapan? At walang kalungkutan? Minsan ba nating naitanong ito sa ating mga sarili?
Noong Abril, taong kasulukuyan, naghahanda ako para sa pag kuha ng aking kard sa paaralan, ngunit suliranin ko ang natitirang bayarin sa paaralan, sapagkat hindi ko makukuha ang aking kard kung hindi ko ito mababayaran. Sa pagninilay ko, naalala ko ang sinabi ng isa kong kaklase na nais nyang maghanap ng trabaho sa panahon ng bakasyon, kung kayat sumama ako sa paghahanap ng mapapasukang trabaho bilang summer job.
Sa paghahanap namin ng mapapasukan, tumawag ang kapatid ko at sinabing may kakilala sayang paghahanap ng mag-aalaga sa kanilang anak. May alam naman ako sa pag-aalaga sapagkat maraming bata sa aming bahay, kung kaya't pumayag ako. Ibinigay ng kapatid ko ang aking cellphone number sa magiging amo ko at sinabing, "siya nalang ang tatawag sa iyo at magtatakda kung kailan ka magsisimula." Lumipas ang ilang araw bago tumawag si 'ate Niing'- ang amo ko, at sinabihan akong pumunta sa lugar na napag-usapan namin.
Simula noon, nakapag-trabaho ako at natulungan ko ang mga magulang sa pangangailang ng mga magulang ko. Nakakapagod mag-alaga, minsan naisip kong bumitaw na ngunit ng maisip ko ang mga bagay na natutunan at naitutulong ko sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko, lahat ng pagod, hirap at pagkabagot ay naisasantabi ko, at pinagpapatuloy ko ang aking nasimulan.
Sa lahat ng bagay ng nakamit ko at nagawa ng mga panahon iyon, masasabi kong walang kasiyahan, kung walang hirap na napagdaanan. Sapagkat, ang higit na kasiyahan ay nakukuha sa hirap at tiyaga na nakukuha naman natin sa ating mga paghihirap. At ang lahat ng bagay ay may kaukulang gantimpala at parusa.

Nicole Idulsa
Dito sa mundong ibabaw, ang mga karanasan ay nangyayari sa isang tao para matutong lumaban, masaktan, lumuha at tumawa. Ang karanasan daw ay isang ala-ala ng kahapon na nangyari noon, masaya man o malungkot ngunit kailangang magpatuloy ang buhay alang-alang sa ngayon at sa darating na bukas.
Ang karanasang hindi ko makakalimutan sa taong ito ay ang pagtungtong ko sa huling taon sa SHS. Nagpapatunay lamang ito na nakaabot na naman ako sa bagong yugto ng aking pag-aaral. Bagong simula na naman nang aking pagkapuyat, paggising ng maaga, ang paggawa nang mga proyekto at iba pa. Parang napakailki lamang ng dalawang buwang na bakasyon at sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang ako ay nasa Grade-12 na pala.
Pakiramdam ko ay hindi nasayang lahat ng pagod at hirap ko araw-araw sa mga nagdaang mga taon, siguro narin dahil sa tulong ng ating panginoon. Tuwing gabi kapag ako ay nag-aaral kalahati nang aking isip ay nag-aaral at ang kalahati naman ay iniisip ang akibg mga pangarap. Ngunit sa aking huling taon sa SHS kaakibat nito ang mga responsibilidad at mga darating pang pagsubok sa akin na dapat kong harapin.
Sa pagdaan ng panahon pakiramdam ko unti-unti ko nang nararamdaman na napakalapit ko nang maabot ang aking mga pangarap, kahit na sa totoo ang dami ko pang pwedeng pagdaanan sa hinaharap. Pero naniniwala ako na kaya kong lagpasan ang mga pagdadaanan ko, sa tulong at gabay ng panginoon at ng aking pamilya. Minsan naiisip ko na sapat na lahat ng aking kaalaman para ipagpatuloy ang aking nasimulan, na sapat na sa akin ang lahat para ipagpatuloy ang pagkamit ng aking mga pangarap, pero hindi pa pala, marami pa akong dapat na matutunan at matuklasan. Minsan sa buhay nakakaramdam tayo ng pagkabigo ngunit hindi ito sapat na dahilan para sumuko dahil lahat ng ating pagdadaanan ay kaloob sa atin ng Diyod upang tayo ay matutong lumaban at manatiling matatag. At pagkatapos ng lahat malay natin, may bubukas na pintuan na puno nang oportunidad. Kaya ako ngayon ay kasalukuyang nag-aaral at patuloy na lumalaban. Ang mga karanasan sa buhay ng tao ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa atin. Kakambal ito ng ating pagkatao sapagkat ito ay pinagkaloob ng panginoon.

Rijoy Absuelo
"The Family is the Center of Life and It is the Key to Eternal Happiness". - L. LomPerry , naniniwala po ako sa kasabihang ito dahil sa tuwing masaya o buo lang ang aking pamilya sobra-sobra ang kasiyahan na aking nadarama.
Ang pinaka masaya na nangyari sa buhay ko sa taong 2018 ay noong January 01,2018 noong bagong taon , unang araw ng taon . Sapagkat buo kaming pamilya na nagpunta sa simbahan. Buo kaming nanalangin sa Panginoon at nagpapasalamat sa lahat ng biyaya na binigay sa amin. Hindi kasi kami palaging nagsisimba na buo kaya isa yon sa hindi ko malilimutan at isa sa pinakamasaya na nangyari sa buhay ko.
Masarap sa pakiramdam na buo pa ang iyong pamilya, walang makakapantay sa kasiyahan ko , lalo na't makikita ko ang mama ko at papa ko na nakangiti . Kaya't kapag kompleto pa ito pahalagahan mo ito at wag mong sasayangin ang panahon na nandiyan pa sila sapagkat nasa huli ang pagsisisi at may mga bagay talaga na kapag tapos na hinding-hindi na maibabalik pa.

Subscribe to:
Posts (Atom)