Habang tumatakbo ang oras lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng ala-ala sa ating buhay. Maari ito maging masaya o malungkot na ala-ala. Mga karanasan na nagbibigay sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, at gintong aral. Ngunit ngayon, ang ibibigyang diin ko dito ay ang aking pinaka masayang ala-ala na naganap sa buhay ko ngayong taon.
June 15, 2018, ika-18 na kaarawan ng aking kaklase sa junior high school na si Blessed Joana Takling. Ito yung panahon na muli kaming nagsama ng aking mga kaklase sa junior high school. Hindi maipagkakaila na napakatalik na naming magkaibigang lahat. Sa 4 na taon na pagsasama namin, marami na kaming napagdaanan na mga masasaya at malulungkot na pangyayari. Ikinalulungkot namin lahat dahil hindi na kami magkakasama muli dahil iba-iba nang mga landas ang aming tatahakin.Ito yung araw kung saan ang pinakauna naming kaklase ay tutungtong sa legal na idad. Ginanap ang pagsalo salo sa KTV Grahe. Isa itong simpleng salo salo ngunit napagkasunduan naming lahat na ang susuotin namin ay hindi pants kundi isang dress o pormal na damit.
Nagkaroon kami nag maliit na programa kung saan nagbigay nang mga mensahe para sa birthday girl. Pagkatapos namin sa KTV ay pumunta kami sa pantalan kung saan doon namin pinagpatuloy ang pagdiriwang nang kaarawan.
Isa ito sa mga pinakamasasayang karanasan ko ngayong taon. Makasama lang sila at makipagtawanan ay sapat na sakin upang maging di-makakalimutang pagkakataon sa buhay ko. Lahat ng mga ala-ala na kasama ko sila ay kayamanan para sa akin. Lalong lalo na sa panahong ito dahil dito kami muling nagsama simula nang aming pagkakahiwalay.
Araw-araw ay isang karanasan ngunit sa mga karanasan na ito meron talagang mamarka sa ating mga puso na hinding hindi natin makakalimutan. Kung kaya't dapat natin bigyang halaga ang mga panahon na kasama natin ang mga taong nagbibigay kulay sa ating buhay.
No comments:
Post a Comment