Wednesday, June 20, 2018

Nicole Idulsa

Dito sa mundong ibabaw, ang mga karanasan ay nangyayari sa isang tao para matutong lumaban, masaktan, lumuha at tumawa. Ang karanasan daw ay isang ala-ala ng kahapon na nangyari noon, masaya man o malungkot ngunit kailangang magpatuloy ang buhay alang-alang sa ngayon at sa darating na bukas.

Ang karanasang hindi ko makakalimutan sa taong ito ay ang pagtungtong ko sa huling taon sa SHS. Nagpapatunay lamang ito na nakaabot na naman ako sa bagong yugto ng aking pag-aaral. Bagong simula na naman nang aking pagkapuyat, paggising ng maaga, ang paggawa nang mga proyekto at iba pa. Parang napakailki lamang ng dalawang buwang na bakasyon at sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang ako ay nasa Grade-12 na pala.

Pakiramdam ko ay hindi nasayang lahat ng pagod at hirap ko araw-araw sa mga nagdaang mga taon, siguro narin dahil sa tulong ng ating panginoon. Tuwing gabi kapag ako ay nag-aaral kalahati nang aking isip ay nag-aaral at ang kalahati naman ay iniisip ang akibg mga pangarap. Ngunit sa aking huling taon sa SHS kaakibat nito ang mga responsibilidad at mga darating pang pagsubok sa akin na dapat kong harapin.

Sa pagdaan ng panahon pakiramdam ko unti-unti ko nang nararamdaman na napakalapit ko nang maabot ang aking mga pangarap, kahit na sa totoo ang dami ko pang pwedeng pagdaanan sa hinaharap. Pero naniniwala ako na kaya kong lagpasan ang mga pagdadaanan ko, sa tulong at gabay ng panginoon at ng aking pamilya. Minsan naiisip ko na sapat na lahat ng aking kaalaman para ipagpatuloy ang aking nasimulan, na sapat na sa akin ang lahat para ipagpatuloy ang pagkamit ng aking mga pangarap, pero hindi pa pala, marami pa akong dapat na matutunan at matuklasan. Minsan sa buhay nakakaramdam tayo ng pagkabigo ngunit hindi ito sapat na dahilan para sumuko dahil lahat ng ating pagdadaanan ay kaloob sa atin ng Diyod upang tayo ay matutong lumaban at manatiling matatag. At pagkatapos ng lahat malay natin, may bubukas na pintuan na puno nang oportunidad. Kaya ako ngayon ay kasalukuyang nag-aaral at patuloy na lumalaban. Ang mga karanasan sa buhay ng tao ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa atin. Kakambal ito ng ating pagkatao sapagkat ito ay pinagkaloob ng panginoon.

No comments:

Post a Comment