Sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga ala-ala sa panahon na lahat kami ay nagsama sama , kung saan bawat isa sa amin ay may ngiti na kailan man ay di mapapantayan na kahit na pera ay di kayang tumbasan. Sobra nagpapasalamat ako sa Panginoon na gumawa ng buhay, kung saan nagbigay sa akin ng isang regalo na kailanman hindi ko kayang iwan at tanggihan at iyon ay ang aking pamilya.
Isa sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko sa taon na ito. Eh yung araw kung saan lahat ng importanteng tao sa buhay ko ay nakasama ko at nakasalamuha sa panahon ng kaarawan ng ama ko. Kung saan yung iba kung pinsan nakatira sa iba’t- ibang lugar ay nakapunta at nakisalo sa amin. At nagkaroon rin kami ng kasunduan na mamasyal sa iba’t-ibang lugar. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon kung saan una naming maranasan ang magsaranggula ng sabay-sabay kahit na malalaki n kami, naranasan rin namin magtanim sa harden ng aming tatay, at higit sa lahat nakipagpustahan rin kami sa larong volleyball kung saan ito ay isa sa hilig naming laro. Lahat ng masasayang gawain namin sa taong ito ay nangyari lang sa isang linggo dahil kailangan narin nilang umuwi sa kanilang bahay/ lugar.
Kahit konti lang ang panahon na naging ganun kami kasaya, hindi parin mapapantayan ng kahit ano mang bagay ang mga masasayang pangyayari sa mga panahon na iyon.Paano ko nga ba malilimutan ang panahon kung saan inakala ko lamang noon na sa isang panaginip ko lang mahahangad ngunit sa panahon na ito ay nangyari rin. Nakasama ko sa taon na ito ang lahat ng importanteng tao sa buhay ko na kahit kailan hindi ko makakalimutan.
No comments:
Post a Comment