Sa tuwing sasagi sa isip ko ang mga ala-ala sa panahon na lahat kami ay nagsama sama , kung saan bawat isa sa amin ay may ngiti na kailan man ay di mapapantayan na kahit na pera ay di kayang tumbasan. Sobra nagpapasalamat ako sa Panginoon na gumawa ng buhay, kung saan nagbigay sa akin ng isang regalo na kailanman hindi ko kayang iwan at tanggihan at iyon ay ang aking pamilya.
Isa sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko sa taon na ito. Eh yung araw kung saan lahat ng importanteng tao sa buhay ko ay nakasama ko at nakasalamuha sa panahon ng kaarawan ng ama ko. Kung saan yung iba kung pinsan nakatira sa iba’t- ibang lugar ay nakapunta at nakisalo sa amin. At nagkaroon rin kami ng kasunduan na mamasyal sa iba’t-ibang lugar. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon kung saan una naming maranasan ang magsaranggula ng sabay-sabay kahit na malalaki n kami, naranasan rin namin magtanim sa harden ng aming tatay, at higit sa lahat nakipagpustahan rin kami sa larong volleyball kung saan ito ay isa sa hilig naming laro. Lahat ng masasayang gawain namin sa taong ito ay nangyari lang sa isang linggo dahil kailangan narin nilang umuwi sa kanilang bahay/ lugar.
Kahit konti lang ang panahon na naging ganun kami kasaya, hindi parin mapapantayan ng kahit ano mang bagay ang mga masasayang pangyayari sa mga panahon na iyon.Paano ko nga ba malilimutan ang panahon kung saan inakala ko lamang noon na sa isang panaginip ko lang mahahangad ngunit sa panahon na ito ay nangyari rin. Nakasama ko sa taon na ito ang lahat ng importanteng tao sa buhay ko na kahit kailan hindi ko makakalimutan.
Wednesday, June 20, 2018
Angelica Nunez
Habang tumatakbo ang oras lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng ala-ala sa ating buhay. Maari ito maging masaya o malungkot na ala-ala. Mga karanasan na nagbibigay sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, at gintong aral. Ngunit ngayon, ang ibibigyang diin ko dito ay ang aking pinaka masayang ala-ala na naganap sa buhay ko ngayong taon.
June 15, 2018, ika-18 na kaarawan ng aking kaklase sa junior high school na si Blessed Joana Takling. Ito yung panahon na muli kaming nagsama ng aking mga kaklase sa junior high school. Hindi maipagkakaila na napakatalik na naming magkaibigang lahat. Sa 4 na taon na pagsasama namin, marami na kaming napagdaanan na mga masasaya at malulungkot na pangyayari. Ikinalulungkot namin lahat dahil hindi na kami magkakasama muli dahil iba-iba nang mga landas ang aming tatahakin.Ito yung araw kung saan ang pinakauna naming kaklase ay tutungtong sa legal na idad. Ginanap ang pagsalo salo sa KTV Grahe. Isa itong simpleng salo salo ngunit napagkasunduan naming lahat na ang susuotin namin ay hindi pants kundi isang dress o pormal na damit.
Nagkaroon kami nag maliit na programa kung saan nagbigay nang mga mensahe para sa birthday girl. Pagkatapos namin sa KTV ay pumunta kami sa pantalan kung saan doon namin pinagpatuloy ang pagdiriwang nang kaarawan.
Isa ito sa mga pinakamasasayang karanasan ko ngayong taon. Makasama lang sila at makipagtawanan ay sapat na sakin upang maging di-makakalimutang pagkakataon sa buhay ko. Lahat ng mga ala-ala na kasama ko sila ay kayamanan para sa akin. Lalong lalo na sa panahong ito dahil dito kami muling nagsama simula nang aming pagkakahiwalay.
Araw-araw ay isang karanasan ngunit sa mga karanasan na ito meron talagang mamarka sa ating mga puso na hinding hindi natin makakalimutan. Kung kaya't dapat natin bigyang halaga ang mga panahon na kasama natin ang mga taong nagbibigay kulay sa ating buhay.
Virgie Luz Baranggan
Ang Pinakamasayang Pangyayari
Ngayong Taon
"Rejoice with your life in the beautiful land full of experiences" ani ni Virgie Barangan. Kaya lahat tayo ay may karanasang hindi talaga natin makakalimutan at nanatili ito sa ating puso't isipan. Maaaring karanasan sa pamilya, kaibigan at pagibig. Mga pangyayaring kung saan ikaw ay nasaktan, umiyak, masaya, kinilig at umibig. Naaalala mo pa kaya ang mga pangyayaring iyon? Sigurado akong lahat ng detalye ay naaalala mo pa. Subalit karaniwan sa atin ay mas iisipin ang mga magaganda kaysa sa mga masasama o malulungkot na karanasan. Sino bang hindi gusto ang mga magagandang karanasan? Mayroon ba?
Kung ako ang tatanungin isa sa pinakamasayang pangyayari sa akin ngayong taon ay noong ika-15 ng Mayo pagkatapos ng eleksyon. Sa araw na iyon ay magkasama kami nang aking kamag-anak at pinsan na kung saan ay nagulat ako at saka masaya sapagka't ang unang plano ay ipagdiriwang ang reunion o muling pagtitipon sa Agusan del Sur at ang pinakamasakit ay hindi kami makakapunta. Ngunit ng dahil sa isang pangyayari ay hindi iyon natuloy at napagisipan na dito nalang sa Gingoog City ipagdiriwang ito.
Napagdesisyunan ng lahat na ipagdiriwang ang reunion o muling pagtitipon sa Badiangon. Kaya okupado ang lahat sa paghahanda nang pagkain at kagamitan. Lahat ay masayang nagtutulungan sa kabila nang pagod. Habang sa byahe patungong Badiangon ay nagsisiksikan ang lahat at puno nang tawanan ang sasakyan. Hindi alintana nang lahat ang init ng panahon.
Sa wakas at nakarating narin kami sa aming destinasyon. Matapos ang mahaba at mainit na byahe, ito na kami sa Badiangon. Lahat ay tuwang-tuwa kaya pagkarating na pagkarating ay lumusob agad sa tubig ang mga bata at isa na ako dyan. Simpleng salo-salo sa pagkain, ice cream at kantahan ang naging pangunahing putahe ng reunion. Lumipas ang oras na puro tawanan at pagbabalik-tanaw sa mga nakakatawang pangyayari sa nakaraan. Habang nakatingin sa kanila na nagtatawanan ay lihim akong nakangiti sa kabila nang lamig at mahapding balat ko. Sana sa susunod ay ganito parin kami. Masaya parin. Kahit iba- iba ang mga lugar, buhay at pamilya ay sana magkaroon ng panahon na magkakasama ulit. Gaya nito.
Ang mga ganitong pangyayari sa ating buhay ay hinding hindi makakalimutan kahit para sa iba ay maliit na bagay pero para sa iyo ay napakahalaga. Ang karanasang ito ay pang habang buhay na nanatili sa pagkatao ko. Isa talaga sa pinakamatamis na bagay ay ang muling pagtitipon ng pamilya at kamag anak kahit ito ay nangyari lang sa maikling panahon.

Rica Canada
Ang kasiyahan ang pinakaunang hinahangad ng lahat. Kasiyahan, na nakakamit sa iba't-ibang paraan, bagay at pangyayari. Gayon paman, kaakibat ng kasiyahan ang kahirapan at kalungkutan na araw-araw rin nating natatamasa at ito ay higit nating kinaiinisan. Nais natin ang buhay na walang kahirapan, at putting kasiyahan lamang. Ano ba ang buhay na walang kahirapan? At walang kalungkutan? Minsan ba nating naitanong ito sa ating mga sarili?
Noong Abril, taong kasulukuyan, naghahanda ako para sa pag kuha ng aking kard sa paaralan, ngunit suliranin ko ang natitirang bayarin sa paaralan, sapagkat hindi ko makukuha ang aking kard kung hindi ko ito mababayaran. Sa pagninilay ko, naalala ko ang sinabi ng isa kong kaklase na nais nyang maghanap ng trabaho sa panahon ng bakasyon, kung kayat sumama ako sa paghahanap ng mapapasukang trabaho bilang summer job.
Sa paghahanap namin ng mapapasukan, tumawag ang kapatid ko at sinabing may kakilala sayang paghahanap ng mag-aalaga sa kanilang anak. May alam naman ako sa pag-aalaga sapagkat maraming bata sa aming bahay, kung kaya't pumayag ako. Ibinigay ng kapatid ko ang aking cellphone number sa magiging amo ko at sinabing, "siya nalang ang tatawag sa iyo at magtatakda kung kailan ka magsisimula." Lumipas ang ilang araw bago tumawag si 'ate Niing'- ang amo ko, at sinabihan akong pumunta sa lugar na napag-usapan namin.
Simula noon, nakapag-trabaho ako at natulungan ko ang mga magulang sa pangangailang ng mga magulang ko. Nakakapagod mag-alaga, minsan naisip kong bumitaw na ngunit ng maisip ko ang mga bagay na natutunan at naitutulong ko sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko, lahat ng pagod, hirap at pagkabagot ay naisasantabi ko, at pinagpapatuloy ko ang aking nasimulan.
Sa lahat ng bagay ng nakamit ko at nagawa ng mga panahon iyon, masasabi kong walang kasiyahan, kung walang hirap na napagdaanan. Sapagkat, ang higit na kasiyahan ay nakukuha sa hirap at tiyaga na nakukuha naman natin sa ating mga paghihirap. At ang lahat ng bagay ay may kaukulang gantimpala at parusa.

Nicole Idulsa
Dito sa mundong ibabaw, ang mga karanasan ay nangyayari sa isang tao para matutong lumaban, masaktan, lumuha at tumawa. Ang karanasan daw ay isang ala-ala ng kahapon na nangyari noon, masaya man o malungkot ngunit kailangang magpatuloy ang buhay alang-alang sa ngayon at sa darating na bukas.
Ang karanasang hindi ko makakalimutan sa taong ito ay ang pagtungtong ko sa huling taon sa SHS. Nagpapatunay lamang ito na nakaabot na naman ako sa bagong yugto ng aking pag-aaral. Bagong simula na naman nang aking pagkapuyat, paggising ng maaga, ang paggawa nang mga proyekto at iba pa. Parang napakailki lamang ng dalawang buwang na bakasyon at sa sobrang bilis ng panahon, hindi ko namalayang ako ay nasa Grade-12 na pala.
Pakiramdam ko ay hindi nasayang lahat ng pagod at hirap ko araw-araw sa mga nagdaang mga taon, siguro narin dahil sa tulong ng ating panginoon. Tuwing gabi kapag ako ay nag-aaral kalahati nang aking isip ay nag-aaral at ang kalahati naman ay iniisip ang akibg mga pangarap. Ngunit sa aking huling taon sa SHS kaakibat nito ang mga responsibilidad at mga darating pang pagsubok sa akin na dapat kong harapin.
Sa pagdaan ng panahon pakiramdam ko unti-unti ko nang nararamdaman na napakalapit ko nang maabot ang aking mga pangarap, kahit na sa totoo ang dami ko pang pwedeng pagdaanan sa hinaharap. Pero naniniwala ako na kaya kong lagpasan ang mga pagdadaanan ko, sa tulong at gabay ng panginoon at ng aking pamilya. Minsan naiisip ko na sapat na lahat ng aking kaalaman para ipagpatuloy ang aking nasimulan, na sapat na sa akin ang lahat para ipagpatuloy ang pagkamit ng aking mga pangarap, pero hindi pa pala, marami pa akong dapat na matutunan at matuklasan. Minsan sa buhay nakakaramdam tayo ng pagkabigo ngunit hindi ito sapat na dahilan para sumuko dahil lahat ng ating pagdadaanan ay kaloob sa atin ng Diyod upang tayo ay matutong lumaban at manatiling matatag. At pagkatapos ng lahat malay natin, may bubukas na pintuan na puno nang oportunidad. Kaya ako ngayon ay kasalukuyang nag-aaral at patuloy na lumalaban. Ang mga karanasan sa buhay ng tao ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay nakaukit o nakatadhana na sa atin. Kakambal ito ng ating pagkatao sapagkat ito ay pinagkaloob ng panginoon.

Rijoy Absuelo
"The Family is the Center of Life and It is the Key to Eternal Happiness". - L. LomPerry , naniniwala po ako sa kasabihang ito dahil sa tuwing masaya o buo lang ang aking pamilya sobra-sobra ang kasiyahan na aking nadarama.
Ang pinaka masaya na nangyari sa buhay ko sa taong 2018 ay noong January 01,2018 noong bagong taon , unang araw ng taon . Sapagkat buo kaming pamilya na nagpunta sa simbahan. Buo kaming nanalangin sa Panginoon at nagpapasalamat sa lahat ng biyaya na binigay sa amin. Hindi kasi kami palaging nagsisimba na buo kaya isa yon sa hindi ko malilimutan at isa sa pinakamasaya na nangyari sa buhay ko.
Masarap sa pakiramdam na buo pa ang iyong pamilya, walang makakapantay sa kasiyahan ko , lalo na't makikita ko ang mama ko at papa ko na nakangiti . Kaya't kapag kompleto pa ito pahalagahan mo ito at wag mong sasayangin ang panahon na nandiyan pa sila sapagkat nasa huli ang pagsisisi at may mga bagay talaga na kapag tapos na hinding-hindi na maibabalik pa.

Angeline Siton
Walang pangarap na matutupad kung hindi nagsisikap, walang tao na walang pangarap, at mas lalong walang walang tao na hindi gustong umangat/guminhawa ang kanilang buhay. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang gusto/pangarap sa buhay. Ang masayang ala-ala na nangyari sa buhay ko ay ang recognition day, kahit hindi man ako nakatanggap ng medalya at least nakapasa ako sa grade 11 receiving a good grades. Kahit sa kabila ng paghihirap ko at sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko ay nalagpasan ko pa rin ang lahat ng iyon. Masaya talaga ako dahil nasa grade 12 na ako ngayon.
Sobrang pait ang dinanas ko noong nasa grade 11 pa ako kasi gipit na gipit kami sa pera, halos maiyak na ako kasi wala akong pangastos, pangbili ng mga kailangang bilhin para sa school at tsaka pangbili rin ng mga projects. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pera para sa lahat ng gastusin ko sa mga projects ko at sa iba pa. Pero hindi ako pinabayaan ng diyos, kasi nakahanap ako ng pera at ayon na solusyunan na ang problema ko. Tiniis ko lahat ng sakit at pait na mga dinanas ko para lang makamit ang gusto ko sa buhay kahit gaano pa yun ka pait sa wakas nalagpasan ko pa rin yun. I do my best to make my parents proud. Kung hindi dahil sa mga suporta ng mga magulang ko hindi ako makakapasa sa grade 11 kaya ngayon nandito na ako sa ikalabin dalawang baitang, so thanks for my supported parents and also kay god.
Don't wait for opportunity create it. Kaya kailangang magsikap para pangarap ay matupad. Salamat sa mga taong nasa paligid ko na walang tigil na pagsuporta sa akin at sa pag-aaral ko. Sa ngayon unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko noon. There's no success if there's no failures, so hindi agad-agad magiging success ang mga ginagawa natin, dadaan talaga muna tayo sa failures. Pero malalagpasan rin lahat yan basta try and try until you success. Kailangang matiyaga. Alam natin na maraming pagsubok ang darating sa buhay, kaya kailangang laging handa para sa pagsubok na ito. If you strive more, you can reach your goal.

Hazel Cainoy
Sa buhay marami talagang mga pangyayari na hindi natin nakakalimutan, maaaring ito ay ang pinakamasasayang araw sa buhay mo o ang pinakamalungkot na nangyari.Ako ay mayroong salita na palagi kong tinatatak sa utak ko ito ay Life is to short,be happy and live while were young. Sa araw araw na mga pangyayari sa buhay ko palagi kong inienjoy o kung baga cherish every moment pqra sulit.Gaya nalang sa isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko na hindi ko makakalimutan ay noong taon 2018 sa pasko at bagong taon.Masaya ako sa araw nayon hindi lang sa nakita kung masaya ang magulang ko kondi para bang perfect ang lahat mula sa gift na natanggap ko, sa pagkain na hinanda namin At lalong lalo na masaya ako sa pagsapit nga alas dose dahil sabay kaming nag celebrate kasama ang aking mga ate at pamilya nila sa bahay.Isa iyon sa mga araw na hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko.
Masaya ako dahil meron kaming moment na ganon na maari kong itago na ala ala sa pusot isip ko. Naniniwala ako sa kasabihang People change but memories don't. Maaari mang tatanda ako at sila pero ang ala ala ay mananatili paring preskong nakatago sa isip at puso ko.Minsan nga pagkasama ko ang pamilya ko sinusulit ko para kung sakaling mawawala man sila,meron akong ala ala na pabaon nila na hindi ko makakalimutan sa buhay ko.
Yan lang naman ang hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko.

Andrea Mogol
Maaalab na pagbati!
"Pag may kalungkutan, may kasiyahan". Dito sa mundong ating ginagalawan nakakaranas tayo ng mga pangyayaring hindi malilimutan, may mga araw o pagkakataon na tayo ay masaya,malungkot, nakakaramdam ng pighati at kabiguan. Habang umiikot ang mundo isa sa mga emosyon na ito ang ating nararamdaman, kaya't minsay nagiging isang alaala ito sa ating puso't isipan. Bawat taon may mga pinakamasayang araw, at pinakamalungkot na araw sa ating buhay. Marami nang mga magagandang nagyari sa buhay ko ngayong taon ngunit ano nga ba ang pinaka masaya sa lahat ng ito?
Noong ikaapat ng pebrero 2018, naganap ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ngayong taon. Ito ay ang kaarawan ko, umagang umaga palang pagdilat ng aking mga mata ay nakatanggap na ako ng biyaya galing sa ating poong maykapal, laking pasalamat ko dahil nakaabot pa ako sa edad na 17 na mamuhay dito sa mundo. Naramdaman ko ang pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko sa simpleng pagbati nila sa akin, maging sa social media nakatanggap ako ng mga pagbati galing sa mga mahal kong kaibigan. Napaka espesyal nang araw na ito para sa akin lalo na't itoy araw ng linggo. Sa mga bandang alas kwatro ng hapon dumalo kami ng nanay at kapatid ko sa misa, lubos na nagpasalamat at humiling ako sa harap ng diyos. Pag uwi namin galing simbahan nagkaroon ng simpleng handaan sa aming tahanan kainan,sayawan at kantahan ang mga naganap sa araw na iyon at sa hindi inaasahan nakatanggap ako ng regalo galing sa aking ina at mga pinsan, laking tuwa ko sa pagtanggap ng mga iyon. Hanggang sa natapos ang pagdiriwang ng aking kaarawan tumatak sa aking puso't isipan na ang araw na iyon ay isa sa pinakamasayang nangyari sa aking buhay.
Habang tayo'y nabubuhay pa gumawa tayo ng mga masasayang alaala kasama ang ating mga mahal sa buhay. Maraming paraan upang maging masaya, maramdaman mo lang ang halaga at pagmamahal ng mga taong nasa paligid mo ay sapat na sa kaligayahang inaasam mo. Ngunit dito sa mundong ating ginagalawan may mga taong ang kaligayahan ay pera at mga magagarang materyales na gamit, subalit ang mga ito'y nauubos, nasisira, at nawawala sa kanilang mga palad kaya't ang umaapaw pa rin pagmamahal ng isang tao na siyang nagbibigay kasiyahan sa buhay ng tao.

Estella Marie Turdos
Magandang Araw!
" Ang tunay na masaya ay hindi kung anong meron ka kundi kung gaano ka nag-enjoy." Maraming dahilan para tayo ay maging masaya isa na sa mga dahilan ay bibigyan tayo ng mga regalo, gadgets at iba pa na gusto natin makuha pero ang kasiyahang ito ay pansamantala lamang. May pangyayari na ika'y masaya dahil sa mga biro ng imong mga kaibigan, kasamahan at pamilya. Ito ang mga pangyayaring aking naranasan na lubos akong naging masaya ngayong taon.
Noong Araw ng kaarawan ng aking bunsong kapatid na babae, nagpapasalamat ako na binigyan Oras ng aking mga nakakatandang kapatid na sumama sa pagdiriwang at ipagpaliban muna ang kanilang trabaho. Masaya ako dahil nagkakasama sama ang buong pamilya, nagkaroon kami ng Oras para magbonding. Kumain dahil may mga nakahandang maraming pagkain, may naligo sa dagat, nagkakantahan, nagsasayawan at nagkakatuwaan. Ito ang mga nangyari noong araw na ito na hindi ko makalimutan dahil masaya ako.
Masaya ako , iyong kasiyahan na matagal munang hinahanap sa loob mo pero hindi ko aakalain na may mas sasaya pa doon.
Mayo 30, 2018, para sa akin isa lamang ordinaryo ang araw na iyon pero hindi ko akalain na iyon ang bubuo muli sa aming pamilya makalipas ang anim na taong pagkakahiwalay ng aking bunsong kapatid na lalaki. Umuwi ang aking antie at uncle kasama ang aming bunsong kapatid na lalaki galing General Santos City. Nagpapasalamat kami na nagkataong bakasyon pa kaya siya nakasama pag-uwi. Sinulit namin ang araw na iyon, nagliwaliw kasama ang buong pamilya, naglaro at nagkwentuhan. Sinulit namin ang buong araw dahil alam naming hindi sila magtatagal dito sa Gingoog kasi malapit na ang pasukan. Para sa akin, iyon ang pinakamasyang araw na nangyari ngayong taon.
May mga araw talaga na hindi natin alam kung may pagbabago ba ng iyong araw sa mga nakalipas na araw. Bigla nalang tayong magugulat at ang magagawa nalang natin ay magpadala sa daloy ng mga pangyayari at maging masaya. Ayon mga kay Ashley Montagu, " The moments of Happiness we enjoy take us by surprise. It is not that we seize them, but that they seize us."

Nicole Bolo
We we're born not just to enjoy for there is something to pursue. There is a goal to reach; there is a challenge to face and choices to be chosen.
Sa ating buhay ay may malungkot, masakit na pangyayari pero ika nga nila pagkatapos ng mga pighati ay may masayang mangyayari. Ang masayang pangyayari na nangyari sa buhay ko ay ang araw ng Recognition day na naganap noong Abril 04,2018 na ginanap sa covered court ng Gccnhs. Isa ako sa maraming estudyante sa paaralan namin na nakatanggap ng medalya sa kabila ng mga kasakit, paghihirap na dinanas pagkatapos ng school year na masayang nalagpasan ang mga paghihirap sa grade11 at ngayon ay isang Grade12 na mayroon na namang bagong yugto o pagsubok na kailangan malagpasan. Lahat tayo ay gustong maipagmalaki ng ating magulang, kaya napakaganda sa aking kalooban, hindi naman sa nagmamayabang ngunit ako ay isa sa withhonors sa klase namin. Nakakalungkot man isipin na hindi dumalo ang mama at papa ko sa mahalagang okasyon sa buhay ko atleast naipakita ko parin sa kanila na kaya nila akong ipagmalaki. Inaalay ko ang medalya sa aking mga magulang lalong lalo na sa aking mama na simula pagkabuntis ay siya na ang sumasama sa mga recognition ko pero sa kasamaang palad ay ito ang pangalawa sa mga mahalagang okasyon ko na wala siya. Napakasaya na kahit sa simpleng bagay ay napalitan ko o may napuntahan ang kanilang paghihirap at pagsisikap para makapag-aral kaming mag kakapatid at hindi sakit sa ulo, ang pagiging mabuting mag-aaral ang tanging maipagmamalaki narin sa aming mga magulang.
Lahat tayo ay hinihiling na maging tagumpay balang araw. Pero bago natin yung makamit ay may mga pagsubok o problema muna tayong haharapin habang tinatahak natin ang daan which lead us to discouragement or make us now strong, that's life! Lagi nating itatak sa ating nga isipan na nothing travels the highways of failure. Ang buhay ay kombinasyon ng tagumpay at failures. Always be true to your studies and whatever new directions in life you may undertake, make sure it is the best for you because it is not life that makes you but it's you that make your own life and keep in mind that " a life with Christ is an endless hope while life without Christ is a hopeless end." Maging matatag at huwag mapapagod humingi ng tulong sa panginoon at gabay sa araw-araw.

Jojin Tablando
Pinakamasayang Pangyayari Sa Akin Ngayong Taon
Sa buhay ng bawat tao hindi natin maiaalis na magkaroon ng isang pangyayari na talagang hindi natin makakalimutan lalo na kung ito ay ang pinakamasayang pangyayari. Mas masarap isipin ang mga masasayang alaala kaysa mga malulungkot na pangyayari dahil nagsisilbi itong inspirasyon kapag tayo ay nakadama ng kalungkutan.
Ang pinakamasayang pangyayari sa akin ngayong taon ay noong nabuo ang aking pangalawang pamilya. Sila ang aking mga kaklase sa loob ng apat na taon at ang isa sa mga pareho sa amin ay lahat kami working students. Sa paglipas ng panahon sabay namin binubuo ang aming mga pangarap sa buhay ang maiangat sa hirap ang aming bawat pamilya. Apat na taon na sinubok ang aming pagkakaibigan na sa paglipas ng panahon ang pagkakaibigan ay naging isang pamilya na sama-sama sa pagharap ng bawat problema. Sa pagpasok namin sa Senior High School muli na naman sinubok ang aming pamilya dahil kami ay pumasok sa ibat-ibang paaralan. Sa pamamagitan ng facebook kahit papano nakakausap parin namin ang isat-isa. Noong nakaraang buwan ang pinakahihintay namin na araw ay dumating na . Kami ay nabuo ulit. Sa isang beach dito sa Gingoog City ay nagtipon-tipon kami, may mga parlor games na inihanda, ang lahat ng kaarawan ay ipinagdiwang sa araw na iyon, may kantahan na naganap, may kunting salo-salo, at higit sa lahat ang kwento at bagong karanasan ng bawat isa ay naikwento at napakinggan.
Ang pagkakaibigan na naging isang tunay na pamilya ay walang kapalit. Ang kaibigan na karamay sa lahat,kasama saan man magpunta,kasagga sa lahat ng pagsubok kaya napakahirap sirain ang samahang kay tagal. Walang sino mang makasisisra sa samahan ng mga magkakaibigan kung itoy nagsasama ng buong galak na pagmamahalan at nagkakaunawaan.Ganyan ang magkakaibigan magkasamang humaharap sa pinakamasaya at pinakalungkot na araw na iyong buhay. Ayon nga kay Omar Khayyam "Be happy for this moment. This moment is your life".
Subscribe to:
Posts (Atom)