"Pag may kalungkutan, may kasiyahan". Dito sa mundong ating ginagalawan nakakaranas tayo ng mga pangyayaring hindi malilimutan, may mga araw o pagkakataon na tayo ay masaya,malungkot, nakakaramdam ng pighati at kabiguan. Habang umiikot ang mundo isa sa mga emosyon na ito ang ating nararamdaman, kaya't minsay nagiging isang alaala ito sa ating puso't isipan. Bawat taon may mga pinakamasayang araw, at pinakamalungkot na araw sa ating buhay. Marami nang mga magagandang nagyari sa buhay ko ngayong taon ngunit ano nga ba ang pinaka masaya sa lahat ng ito?
Noong ikaapat ng pebrero 2018, naganap ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ngayong taon. Ito ay ang kaarawan ko, umagang umaga palang pagdilat ng aking mga mata ay nakatanggap na ako ng biyaya galing sa ating poong maykapal, laking pasalamat ko dahil nakaabot pa ako sa edad na 17 na mamuhay dito sa mundo. Naramdaman ko ang pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko sa simpleng pagbati nila sa akin, maging sa social media nakatanggap ako ng mga pagbati galing sa mga mahal kong kaibigan. Napaka espesyal nang araw na ito para sa akin lalo na't itoy araw ng linggo. Sa mga bandang alas kwatro ng hapon dumalo kami ng nanay at kapatid ko sa misa, lubos na nagpasalamat at humiling ako sa harap ng diyos. Pag uwi namin galing simbahan nagkaroon ng simpleng handaan sa aming tahanan kainan,sayawan at kantahan ang mga naganap sa araw na iyon at sa hindi inaasahan nakatanggap ako ng regalo galing sa aking ina at mga pinsan, laking tuwa ko sa pagtanggap ng mga iyon. Hanggang sa natapos ang pagdiriwang ng aking kaarawan tumatak sa aking puso't isipan na ang araw na iyon ay isa sa pinakamasayang nangyari sa aking buhay.
Habang tayo'y nabubuhay pa gumawa tayo ng mga masasayang alaala kasama ang ating mga mahal sa buhay. Maraming paraan upang maging masaya, maramdaman mo lang ang halaga at pagmamahal ng mga taong nasa paligid mo ay sapat na sa kaligayahang inaasam mo. Ngunit dito sa mundong ating ginagalawan may mga taong ang kaligayahan ay pera at mga magagarang materyales na gamit, subalit ang mga ito'y nauubos, nasisira, at nawawala sa kanilang mga palad kaya't ang umaapaw pa rin pagmamahal ng isang tao na siyang nagbibigay kasiyahan sa buhay ng tao.
No comments:
Post a Comment