" Ang tunay na masaya ay hindi kung anong meron ka kundi kung gaano ka nag-enjoy." Maraming dahilan para tayo ay maging masaya isa na sa mga dahilan ay bibigyan tayo ng mga regalo, gadgets at iba pa na gusto natin makuha pero ang kasiyahang ito ay pansamantala lamang. May pangyayari na ika'y masaya dahil sa mga biro ng imong mga kaibigan, kasamahan at pamilya. Ito ang mga pangyayaring aking naranasan na lubos akong naging masaya ngayong taon.
Noong Araw ng kaarawan ng aking bunsong kapatid na babae, nagpapasalamat ako na binigyan Oras ng aking mga nakakatandang kapatid na sumama sa pagdiriwang at ipagpaliban muna ang kanilang trabaho. Masaya ako dahil nagkakasama sama ang buong pamilya, nagkaroon kami ng Oras para magbonding. Kumain dahil may mga nakahandang maraming pagkain, may naligo sa dagat, nagkakantahan, nagsasayawan at nagkakatuwaan. Ito ang mga nangyari noong araw na ito na hindi ko makalimutan dahil masaya ako.
Masaya ako , iyong kasiyahan na matagal munang hinahanap sa loob mo pero hindi ko aakalain na may mas sasaya pa doon.
Mayo 30, 2018, para sa akin isa lamang ordinaryo ang araw na iyon pero hindi ko akalain na iyon ang bubuo muli sa aming pamilya makalipas ang anim na taong pagkakahiwalay ng aking bunsong kapatid na lalaki. Umuwi ang aking antie at uncle kasama ang aming bunsong kapatid na lalaki galing General Santos City. Nagpapasalamat kami na nagkataong bakasyon pa kaya siya nakasama pag-uwi. Sinulit namin ang araw na iyon, nagliwaliw kasama ang buong pamilya, naglaro at nagkwentuhan. Sinulit namin ang buong araw dahil alam naming hindi sila magtatagal dito sa Gingoog kasi malapit na ang pasukan. Para sa akin, iyon ang pinakamasyang araw na nangyari ngayong taon.
May mga araw talaga na hindi natin alam kung may pagbabago ba ng iyong araw sa mga nakalipas na araw. Bigla nalang tayong magugulat at ang magagawa nalang natin ay magpadala sa daloy ng mga pangyayari at maging masaya. Ayon mga kay Ashley Montagu, " The moments of Happiness we enjoy take us by surprise. It is not that we seize them, but that they seize us."
No comments:
Post a Comment