Sa ating buhay ay may malungkot, masakit na pangyayari pero ika nga nila pagkatapos ng mga pighati ay may masayang mangyayari. Ang masayang pangyayari na nangyari sa buhay ko ay ang araw ng Recognition day na naganap noong Abril 04,2018 na ginanap sa covered court ng Gccnhs. Isa ako sa maraming estudyante sa paaralan namin na nakatanggap ng medalya sa kabila ng mga kasakit, paghihirap na dinanas pagkatapos ng school year na masayang nalagpasan ang mga paghihirap sa grade11 at ngayon ay isang Grade12 na mayroon na namang bagong yugto o pagsubok na kailangan malagpasan. Lahat tayo ay gustong maipagmalaki ng ating magulang, kaya napakaganda sa aking kalooban, hindi naman sa nagmamayabang ngunit ako ay isa sa withhonors sa klase namin. Nakakalungkot man isipin na hindi dumalo ang mama at papa ko sa mahalagang okasyon sa buhay ko atleast naipakita ko parin sa kanila na kaya nila akong ipagmalaki. Inaalay ko ang medalya sa aking mga magulang lalong lalo na sa aking mama na simula pagkabuntis ay siya na ang sumasama sa mga recognition ko pero sa kasamaang palad ay ito ang pangalawa sa mga mahalagang okasyon ko na wala siya. Napakasaya na kahit sa simpleng bagay ay napalitan ko o may napuntahan ang kanilang paghihirap at pagsisikap para makapag-aral kaming mag kakapatid at hindi sakit sa ulo, ang pagiging mabuting mag-aaral ang tanging maipagmamalaki narin sa aming mga magulang.
Lahat tayo ay hinihiling na maging tagumpay balang araw. Pero bago natin yung makamit ay may mga pagsubok o problema muna tayong haharapin habang tinatahak natin ang daan which lead us to discouragement or make us now strong, that's life! Lagi nating itatak sa ating nga isipan na nothing travels the highways of failure. Ang buhay ay kombinasyon ng tagumpay at failures. Always be true to your studies and whatever new directions in life you may undertake, make sure it is the best for you because it is not life that makes you but it's you that make your own life and keep in mind that " a life with Christ is an endless hope while life without Christ is a hopeless end." Maging matatag at huwag mapapagod humingi ng tulong sa panginoon at gabay sa araw-araw.
No comments:
Post a Comment