Pinakamasayang Pangyayari Sa Akin Ngayong Taon
Sa buhay ng bawat tao hindi natin maiaalis na magkaroon ng isang pangyayari na talagang hindi natin makakalimutan lalo na kung ito ay ang pinakamasayang pangyayari. Mas masarap isipin ang mga masasayang alaala kaysa mga malulungkot na pangyayari dahil nagsisilbi itong inspirasyon kapag tayo ay nakadama ng kalungkutan.
Ang pinakamasayang pangyayari sa akin ngayong taon ay noong nabuo ang aking pangalawang pamilya. Sila ang aking mga kaklase sa loob ng apat na taon at ang isa sa mga pareho sa amin ay lahat kami working students. Sa paglipas ng panahon sabay namin binubuo ang aming mga pangarap sa buhay ang maiangat sa hirap ang aming bawat pamilya. Apat na taon na sinubok ang aming pagkakaibigan na sa paglipas ng panahon ang pagkakaibigan ay naging isang pamilya na sama-sama sa pagharap ng bawat problema. Sa pagpasok namin sa Senior High School muli na naman sinubok ang aming pamilya dahil kami ay pumasok sa ibat-ibang paaralan. Sa pamamagitan ng facebook kahit papano nakakausap parin namin ang isat-isa. Noong nakaraang buwan ang pinakahihintay namin na araw ay dumating na . Kami ay nabuo ulit. Sa isang beach dito sa Gingoog City ay nagtipon-tipon kami, may mga parlor games na inihanda, ang lahat ng kaarawan ay ipinagdiwang sa araw na iyon, may kantahan na naganap, may kunting salo-salo, at higit sa lahat ang kwento at bagong karanasan ng bawat isa ay naikwento at napakinggan.
Ang pagkakaibigan na naging isang tunay na pamilya ay walang kapalit. Ang kaibigan na karamay sa lahat,kasama saan man magpunta,kasagga sa lahat ng pagsubok kaya napakahirap sirain ang samahang kay tagal. Walang sino mang makasisisra sa samahan ng mga magkakaibigan kung itoy nagsasama ng buong galak na pagmamahalan at nagkakaunawaan.Ganyan ang magkakaibigan magkasamang humaharap sa pinakamasaya at pinakalungkot na araw na iyong buhay. Ayon nga kay Omar Khayyam "Be happy for this moment. This moment is your life".
No comments:
Post a Comment